What is the Gospel? (Tagalog)
The following is from GotQuestions.org:
Tanong: "Paano ako magiging matuwid sa paningin ng Diyos?"
Sagot: Upang maging matuwid sa paningin ng Diyos kinakailangan muna nating tanggapin na tayo ay makasalanan. Ayon sa salita ng Diyos, “Ang lahat ay naligaw ng daan, at naging makasalanan. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa man lang” (Mga Awit 14:3). Sumuway tayo sa mga utos ng Diyos; ang katulad natin ay “parang mga tupang naligaw” (Isaiah 53:6).
Kamatayan ang hatol ng Diyos para sa atin na mga nagkasala. “Ang taong nagkasala ay mamamatay” (Ezekiel 18:4). Ngunit may magandang balita - hindi tayo pinabayaan ng mapagmahal na Diyos dahil gumawa siya ng paraan upang tayo’y mapatawad at mabigyan ng kaligtasan. Ipinahayag ni Hesu Kristo na ang kanyang layunin ay “hanapin at iligtas ang naliligaw” (Lucas 19:10). Habang nakapako sa Hesus sa krus, sinabi niya ang mga katagang “naganap na” (Juan 19:30) bilang patunay sa katagumpayan ng kanyang layuning iligtas tayong lahat sa kamatayan.
Upang magkaroon tayo ng magandang relasyon sa Diyos, kailangang aminin natin na nagkasala tayo sa kanya. Magpakumbaba tayo at ipahayag ang ating mga kasalanan sa Diyos. At magpasya rin tayong talikuran ang ating mga kasalanan (Isaiah 57:15 at Roma 10:9, 10).
Magbasa nang higit pa: http://www.gotquestions.org/Tagalog/Maging-karapat-dapat-Panginoon.html